Sunday, December 16, 2007

COA - MORAYTA (Maliligaw na ako)

Gising ng umaga, tawag sa telepono(punta ka na!, Antay mo ako ha!)
Masaya pag kasabay ko siya. Tawa , kwento, kulit, at makinig ng mga korning kanta sa ipod na kinalaunan ay nagugustuhan ko na. Nakakalimutan ko ang lahat ng nasa paligid ko pag kasama ko siya, kung dati'y parang gusto ko nang kotongan ang driver ng sinasakyan ko sa sobrang bagal mag drive o umuwi na lang dahil sa sobrang trapik, ngayon parang close na kaming lahat, nagiging maganda ang takbo ng lahat pag kasabay ko siya!

Pero sa isang iglap biglang nag iba, bigla na lang siyang nawala! Naligaw ba ako o siya? Bakit biglang gumulo nalang ang daan? nagkamali ba ako ng SIGN(ng FX na sinakyan)? o nagkamali siya sa SIGN(na nakita)? (malabo kasi ang mga mata) hindi ko na alam? Ayoko nang magtrapik, ayoko ng lumabo pa ulit ang daan! Nasaan na ang maaliwalas na daan? ksama ba niyang nawala? Babalik pa kaya ang nakasanayang ko nang daanan? Siya? makikita ko pa ba? maliligaw na ba ako?


No comments: