Sa paggising ko sa umaga "Okey pa ba ako"ang laging pangbungad na salita ang tinatanong ko sa sarili ko. Sa dami ng problema(madami talaga)parang ayaw ko nang bumangon pa sa kinahihigaan ko, sana ay kasama nalang ako ng mga unan at kumot na lalabhan ng katulong namin ng mabawasan naman ang sangkatutak na mantsa na binabato sa akin,sabay pasok naman ang pangalawang pambungad na mga tanong,kaya ko pa ba to?kelan matatapos?sino may kasalanan?ako?na parang sinasabi na"wag ka na mag almusal sayang lang".
Parang walang pagbabago?kain, pasok, uwi, tulog, gising, pambungad na tanong, pangalawang pambungad na tanong.
May mga darating na mga tao na akala ko ay makakapagbago ng araw-araw kong ginagawa(sa taas)Pero ganun din(potek)dadagdagan lang pala lahat ng tanong ko!kung dati ay may una't pangalawang pambungad na tanong ngayon may pangatlo't pang-apat na, kung dati ayaw mo nang bumagon ngayon eh ayaw mo na gumising.
Minsan tinatanong ko sa sarili ko, magiging okey pa ba ako? madadagdagan pa ba ang mga pambungad na tanong tuwing umaga? makakapag-almusal pa kaya ako?Magiging masaya pa kaya ang panimula ko? kelan? sino? dadating pa kaya?

No comments:
Post a Comment